“ANG 10 ARAW NA HAMON KO”

Sa sampung araw na hamon ko, yun ang ilan sa mga araw na hindi ko malilimutan. Kahit na ginawa ko lang yun para sa isang proyekto namin ay hindi ko naman na isip iyon kundi sariling gawa ko lamang. Nakakapagod man ang mga araw na iyon ngunit ang mga naramdaman at mga ngiting nasaksihan ko ay walang sinuman ang makakapalit doon. Kahit sa anong hirap ng pamumuhay ko ay ipinagmmalaki kong mayroon akong nagawa para saaking mga mamamayan. Ako ay masayang iniisip ang mga araw na iyon na kung saan mayroon akong mg anatulungang tao mapatanda o bata bata at mayaman o mahirap. Iniisip kong masaya parin ba sila ngayun at namumuhay ng maginhawa sa kabila ng pamantayan ng kanilang pamumuhay. Iniisip ko na galing sa tulong ko ay naging isang magandang halimbawa ba ito para sa kanila upang sundin din nila at tumulong parin sa iba. Kung baka sakaling itong mga pangyayari sa mga araw na ito ay mangyayari ulit sa akin ay susubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang makatulong parin lamang lalo na sa mga taong nangangailangan. Mas magiging masaya akong makatulong sa iba kung kung saan alam kong ito ang nakabubuti para sa lahat.

#SeniorsInAction

“GAWAING PANGKABAITAN”

Sa araw na ito, ika-9 ng Pebrero, ako ay galing sa mall papauwi na para makapagpahinga ng dahil pagod sa paglalaro namin sa aming isport. Pagkatapos ng laro, ako at ang aking mga kasama sa koponan ay pumunta sa isang mall para magdiwang kahit na kami ay natalo sa aming paglalaro. Pumunta kami sa mall at kumain pagakatapos ng aming paglalaro. Pagkatapos namin’g kumain ay naghiwahiwalay na kami para umuwi na ngunit ako, isa sa mga kasama ko at ang coach ko ay nanatili. Kami ay magkasama sa mall para magpatuloy na magdiwang na kami ay naka lahok at nabigyan namin sila ng isang magandang laro. Habang kami ay naglalakad-lakad sa mall at nag tatanaw sa mga binebentang produkto ay naisipan namin’g mag-sine nalamang. Para tapusin ang aming pagdiriwang ay nanood kami ng isang magandang bagong palabas ngayon. Pagkatapos namin manood ay naghiwahiwalay na kami at umuwi na. Habang ako ay naglalakad pauwi mayroon akong nakitang isang matandang babae na tila sinusubukang tumawid sa kalsada. Siya ay tila ba’ng nagdadalawang isip kung makakaya ba niyang tumawid sa kalsada o hindi. Kaya naman ako ay dali-daling tumawid sa kalsada at tinulungan siya makapunta sa kabilang kalsada. Ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay tulungan ang sinuman kagaya ng nagawa ko sa nakalipas na araw. Ang naitulong ko para sa mamamayan ay mabigyan sila ng isang magandang halimbawa ng isang mabuting Pilipino na bihira nalamang makita sa henerasyong ito. Nabigyan ko sila ng tuwa galing sa isang magandang gawain na nagawa ko. Ang naramamdaman ko habang ginagawa ko ito ay isang pakiramdam na minsan nalamang madarama. Naramdaman ko ang saya ng matandang babae sa maliit na tulong na nagawa ko. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung pagkatapos kong itawid ang matandang babae na ito ay ligtas pa’rin ba siya kung saan siya papunta. Kung mayroong pagkakataon sa susunod na mangyari ito ay syempre gagawin ko parin. Sa pagggawa ng mga maliliit na gawang pangkabaitan ay hindi naman masamang ibalik ito’ng lahat ng unti-unti hanggang sa kapayapaan.

#SeniorsInAction

“PAGMAMAHAL KO SA KAPWA TAO”

Sa ika-8 ng Pebrero, hapon ng araw na ito ng ako ay ma’y binibili sa isang tindahan dito malapit sa bahay namin at mayroon’g dalawang munting bata na lumapit sa akin. Bumili ako ng meryenda para sa aking sarili at habang ako ay kumakain sa gilid ng kalsada ay bigla nalamang sila lumapit at naghingi ng pagkain. Hindi ko sila binigyan sa pagkain na kinakain ko subalit binilhan ko sila ng ibang pagkain na kanilang gusto. Sinamahan ko nalamang ng ibang pagkain para din naman mas masustansya ito katulad ng prutas para din naman mas marami ang kanilang makakain. Pagkatapos ko silang bilhan ng pagkain ay binigyan nila ako ng kanilang mga matatamis na ngiti na walang makakapantay at bumuo sa araw ko. Nagsama kaming tatlo na mag meryenda sa gilid ng kalsada masayang kumakain at nakikipag tuwaan sa isa’t isa. Ang pansibikong nagawa ko ay mamigay ng pagmamahal sa lahat kahit ano paman ang pamantayan ng kanilang pamumuhay mapabata o matanda. Nakatulong ako sa mamamayan ko na mamigay ng kasiyahan sa bawat isa kahit na hindi silang lahat ang nabigyan ko sa pagmamahal na dala ko. Nabigyan ko sila ng isang mabuting aralin na kung saan mas mabuti na ang mamigay kaysa sa tumanggap. Mas mabuti na ang mamigay ng pagmamahal at lumikha ng pag-iibigan sa kapwa hindi yung puro alitan nalamang. Habang ginagawa ko ito ay ang naramadaman ko ay kasiyahan na di kukupas at memorya na hinding hindi ko malilimutan. Nasiyahan akong nakipagtuwaan sakanila habang kami ay kumakain sa meryenda namin. Higit sa lahat ay naramdaman ko ang saya na kung saan ay nakita ko mismo sa kanilang mga mata. Ang iniisip ko habang ginagawa ko ito ay kung maayos lang ba para sa kanila ang meryendang binili ko para sa kanilang dalawa. Iniisip ko kung talaga ba’ng natuwa sila sa maliit na nagawa kong ito para sa kanila. Kung sa susunod ay mangyayari ito ay gagawin ko parin ito sapagkat ang pera naman ay babalik lang din naman. Mas mabuti na yung makita ang mga ngiting minsan mo lang makikita sa buhay mo. Gagawin ko parin ito para makita ang pagmamahal na mayroon ako para sa lahat ng tao.

“BIGYAN SEGURIDAD ANG LAHAT”

Sa araw na ito, pagkatapos ng aking eskwela at ng aking pagsasanay ng volleyball ay nakita ko ang aking kaibigan na malungkot na papauwi sa kanila. Nalaman ko nalamang na nagkaroon siya ng alitan sa isa sa ibang mga kaibigan niya. Kaya naman naisipan kong samahan nalamang siya para din naman bigyan siya ng pakiramdam na hindi siya nag-iisa at para din naman siguradong walang mangyayari sa kanya. Kahit na ako ay hinahanap na ng nanay ko dahil pinapauwi na ako ay sinamahan ko pa’rin siya hanggang sa makauwi siya sa bahay niya. Bilang isang maginoong mamamayan ay dapat ko din siguraduhin ang kaligtasan ng aking mga kaibigan mapababae paman o lalaki. Ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay siguruhin ang kaligtasan ng kapwa ko kilala ko man o hindi. Ang nagawa kong ito ay hindi man nakatulong sa lahat ng mamamayan ngunit natulungan ko naman ang isa sa mga mamamayan ng bansang ito. Mayroon din akong nasigurung kaligtasan at napasaya sa nagawa kong ito. Ang naramdaman ko nalamang pagkatapos ko siyang maiuwi sa kanila ay nasiyahan ako sa ngiting binigay niya bago siya pumasok sa bahay nila. Tila ako ay kinilig pagkatapos niya maghabilin ng isang magandang ngiti sa’kin. Bukod sa kilig ay nasiyahan ako dahil sa pag-iisip na nabigyan ko siya ng kaligtasan hanggang sa kanyang pag-uwi. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay baka malilintikan na ako kay nanay. Ngunit kailangan ko parin itong gawin sapagkat responsibilidad ko na itong maiuwi siya ng ligtas ngayo’y magkasama na nga kami. Bukod pa doon ay baka kahit anong segundo ay bubuhos na ang pag-iiyak nito. Kung magkakaroon ng pagkakataon na mangyari ito ay gagawin ko pa’rin ito ulit. Gagawin ko ito dahil ito din ay isang gawang nararapat din naman.

“ISANG GAWA, LAHAT AY MATUTUWA”

Ngayong araw, habang ako ay papauwi na galing sa utos ng aking inay ay dumaan ako sa isang palengke upang mas mapadali ang aking pag-uwi. Ngunit habang ako ay papasok palamang sa palengke ay mayroon akong nakitang isang lola na nahihirapan magdala sa mga palengke niya. Ako naman ay lumapit at binigyan ng tulong ang lola sa pagpamamalengke at sa pagdadala sa kanyang pinalengke. Nagawa ko ang pansibikong gawain na ito dahil nakita ko na siya ay nahihirapan na lalo na sa dami niyang na ipinalengke na para ba’ng mayroon siyang ipaghahanda. Hindi ako nagadalawang isip na tulungan siya dahil nga matanda na. Ngunit matanda man o hindi dapat parin natin isagawa ang mga maibiging katangian na meron tayo bilang mga Pilipino na kung saan tayo diyan hinahangaan ng iba. Ito ay nakatulong sa iba’ng mga mamamayan na mapagtanto na dapat tayong lahat ay maging mabait sa kahil kailan paman. Nakatulong ito na mapagtanto lahat ng tao na ang isang tulong lamang ay hindi ganun kahirap gawin at hindi masamang gawin upang ibalik ang lahat lalo na ang mga kabutihan na nasa kalooban natin. Ang naramdaman ko sa paggawa nito ay natuwa din sa pagpapasalamat niya ng lubusan sa pagtulong ko sa kanya mula sa una hanggang sa pag-uwi niya. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung mayroon paba akong maitutulong sa kanya. Kung baka sakaling ma’y makikita akong nahihirapan sa daanan ay hindi ako magdadalawang isip na tumulong upang maging isang magandang halimbawa para sa lahat para naman sa isang gawa lahat naman susunod. Gagawin ko parin ito sa susunod kung ma’y pagkakataon dahil wala namang masama kung tutulong.

#SeniorsInAction

“KAHIT NA ANO ANG PANGANGAILANGAN”

Sa larawang naipakita ko, nakikita na kasama ko ang kaibigan ko sa isang pagdiriwang. Sa araw na ito sinamahan ko ang kaibigan ko para lang na mayroon siyang makasama lalo na siya ay nalulungkot sapagkat marami siyang pinagdadaanan sa buhay. Ika-5 ng Pebrero, matapos akong mauwi ay agad akong pumunta sa bahay niya para lang samahan siyang magsaya dahil nga siya ay nag-iisang nalulungkot sa bahay niya. Ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay tulungan ang kapwa sa kahit ano nilang pangangailangan. Sa likod ng pagod ko galing sa pag ensayo ng aking isport ay pinuntahan ko parin siya para naman gumaan din naman yung pakiramdam niya. Kahit na ako ay hindi nakatulong sa maraming tao ay mayroon naman akong nagawang mabuti para sa isang mamamayan ng ating bansa. Ngunit kung tutuusin ang nagawa ko din naman para sa aking mamamayan ay maging isang magandang halimbawa ng lahat bilang isang Pilipino. Ang naramdaman ko habang ginagawa ko ito ay tuwa. Ako ay natutuwa sa bawat reaksiyon ng aking kaibigan na nakikita ko sa kanya habang siya ay nagkukuwento sa mga pinagdadaanan niya mapasama man o mapabuti ito. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung kailan ba matatapos ang lakad na ito sapagkat ako ay ma’y marami pang gagawin. Tiniis ko nalamang upang mabigyan ko din ang aking kaibigan sa kasiyahan na kanyang kinakailangan at uhaw ng atensyon sa lahat ng tao. Kahit na ako ay puyat at pagod tiniis ko nalamang para naman makabawi ako sa mga araw na hindi ako pumapayag gumala kasama siya. Kung baka sakali na mangyayari man ito sa mga susunod na araw ay susubukan ko nalamang ipakasya sa oras ko sapagkat ako ay parating na uubusan ng oras dahil sa gawain ko sa paaralan. Kung magkakaroon ng oras ay sasamahan ko din naman siya magpakasaya at kung hindi naman ay babawi nalamang ako sa susunod. Ito ang aking nagawang pansibiko sa araw na ito.

#SeniorsInAction

“PAGMAMALASAKIT”

Sa pangatlo na araw ng “10 days challenge” ko, ika-3 ng Pebrero sa 2020,ang nagawa kong pansibiko ay pagtutulong parin sa nakatatanda. Ako ay pauwi na sana sa aming bahay nang mayroon akong namataang isang tao. Sa gabing ito, mayroon akong namataang ina na nahihirapang magdala ng isang galon ng tubig papunta sa kaniyang bahay. Ang pansibikong nagawa ko sa gabing ito ay tumulong ako sa nahihirapan. Tinulungan kong matapos ng taong ito ang kanyang gawain lalo na siya ay mayroon sakit na sa kaniyang katawan. Hindi lamang sa pagtutulong ang nagawa ko kundi ay ginabayan ko din siya papunta sa kanila ng ligtas at walang nangyari sa kaniya. Ang nagawa kong ito ay nakatulong sa mamamayan na bigyan sila ng magandang halimbawa kung gaano naman talaga ka matulungin ng mga Pilipino mula noon hanggang ngayon. Kahit na ay sa isang tao lamang ang aking natulungan ay siya parin ay isang mamamayan ng bansa natin at mayroon parin akong natulungang mamamayan. Ang naramdaman ko sa paggawa nito ay natuwa ako sa reaksiyon ng taong natulungan ko. Kahit na nakakapagod din magdala ng mabigat mula sa malayo ay natuwa akong makita na nasiyahan siya. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung matatagalan ba ako sa pag-uwi ko sa pag-alok ko lamang ng tulong sa kaniya. Ngunit hindi din naman pala subalit ang kanila lang naman ay hindi naman ganun masydaong kalayo galing sa ruta ko. Kung ako ay mabibigyan ulit ng ganitong pangyayari kung saan siya ay nangangailangan ng tulong ay hindi ako magdadalawang isip na tumulong ulit. Tutulong ako ulit para naman ako rin naman ay makapagtakda ng magandang halimbawa na palaging tumulong sa iba para sa mga kabataan ngayon.

#SeniorsInAction

“PANG-EKONOMIYA”

Sa araw na ito,ika-4 ng Pebrero, ang nagawa kong pansibiko ay tumulong sa pagtitinda sa sarili naming negosyo kahit na sa maliit lamang na oras. Sa ginawa kong pagtulong hindi lamang sa sarili kong pamilya ako nakatulong manerbisyo kundi ay para din sa iba. Sa pagtutulong ko sa aming shop ay nagagawa kong mabigyan ang kagustuhan ng mga mamamayan para sa pangaraw-araw nilang pangangailangan. Ito ang nagawa kong pansibikong gawain para sa aking bayan. Pagseserbisyo ngunit walang hinihinging kapalit. Nakatulong ang ginawa kong ito upang mabigyan ang lahat ng namimili ng kanilang kasiyahan. Kahit na tindero lamang ang nagawa ko ay nabigyan ko pa’rin din naman sila ng kanilang mga pangangailangan na kung saan sila ay nasiyahan. Nabigyan ko sila ng serbisyo na kung saan sila din ay nasiyahan sa maliit na nagawa ko para sa kanila. Ang naramdaman ko naman habang ginagawa ko ang bagay na ito ay kagaanan sa pakiramdam. Sa likod ng pagod ay nakakatuwa din naman’g makita na sila ay nagustuhan ang aking panenerbisyo para sa kanila. Sa pagserbisyo ko sa kanila, iniisip kong papaano ko pa ba ma bibigyan ang aking taong bayan ng kasiyahan sa aming paninda lamang. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari dito kung kami ba ay nanakawan. Iniisip ko din kung papaano namin matapos ang araw na marami ang aming naitinda. Kung bibigyan ng pagkakataon na magawa ko ito sa susunod ay gagawin ko padin naman. Susubukan ko ipagkasya sa oras ang pagtutulong ko kay ina sa pagtitinda sa kabila ng dami ng responsibildad ko para sa paaralan.

#SeniorsInAction

“NAGAWA KO PARA SA KOMUNIDAD”

Sa pangatlong araw ng “10 days challenge” ko, ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay tumulong na maglinis sa kapaligiran ng aming lugar. Ika-2 ng Pebrero sa 2020, habang nagkataon na naglilinis ang ilang mga mamamayan sa komunidad ng aming baranggay ay napa-isip akong tumulong na maglinis nalamang din sa ibang lugar sa aming pook. Habang ginagawa ko ito, nakatulong ako sa aking mamamayan na mas maging madali ang paglilinis sa aming bayan. Dahil din sa paglilinis namin, nakatulong ang paglilinis namin na mas gumaan ang kanilang pamumuhay na malinis na ang kapiligiran nilang tinitirhan dito sa aming lugar. Sa paglilinis ng aming lugar, ang naramdaman ko ay parehong tuwa at pagod pa’rin. Natutuwa akong maglinis para sa benepisyo ng ibang tao. Kahit papaano ay natutuwa akong maglingkod kahit na ito’y isang maliit na bagay lamang para sa aking inang bayan. Sa likod ng tuwa, nakramdam din ako ng pagod galing habang sa paglilinis ko sa aming pook. Nakakapagod din maglinis sa ilalim ng sikat ng araw. Ang nasa isip ko habang tumutulong ako’ng maglinis ay kung papaano ko tapusin ang aking tungkulin sa loob lamang ng maliit na oras. Iniisip ko kung napapasaya ko ba ang iba sa aking pagtulong at sa aking pinanggagawa para sa kanila. Kung baka sakaling magkakaroon ng pagkakataon na makapaglinis ulit at tumulong sa kanila ay tutulong pa’din akong mag-aalok ng tulong para sa aking taong bayan. Patuloy akong magbibigay ng serbisyo para sa kanila kasi hindi lang din naman sila ang makaka benepisyo sa pagtulong ko kundi ako din. Sa susunod na pagkakataon ay patuloy parin akong gagawa at tutulong na walang kapalit sa pawis at pagod sa aking pinanggagawa.

“GAWAIN KO SA BAHAY”

Sa araw na ito,sa ika-1 ng Pebrero ng 2020, ang nagawa kong pansibiko ay ang paglalaba sa mga damit ng pamilya ko. Hindi lamang paglalaba ang aking nagawa mayroon din iba pa na nakatulong din sa pamilya ko. Nakikita naman sa larawan na ito na ako mismo ang kumukuha at nagsasampay sa mga bagong laba na damit. Kahit naman hindi sa ibang kababayan ako nakatulong, pareho namang mamamayan ang aking pamilya sa bansang ito at sa ibang mamamayan na namumuhay dito. Nakatutulong naman ito sa aking pamilya upang sila naman ang makapaghinga mula sa sobrang pagod nila sa pagtatrabaho para sa amin. Nakatulong ito na gumaan ang kanilang pakiramdam sa lahat ng kanilang mga sakripisyo para sa’min. Ang naramdaman ko habang ginagawa ang gawain kong ito ay sobrang pagod ngunit masaya din naman makatulong para sa kanila. Nakakapagod dahil mula sa maagang umaga ay pinasimulan na ang paglalaba sa mga maruming damit. Ngunit, nasasayahan din dahil natutuwa ang aking mga magulang na mayroong tumutulong sa kanila. Habang sa paggagawa ko sa aking mga tungkulin ay iniisip ko ang ibang mga gawain ko sa bahay. Iniisip ko ang mga gawaing pwede ko pa’ng matulong sa mga magulang ko upang sila ay matuwa naman sa’kin. Kung mangyayari ang pagkakataon na ito sa susunod na araw ay hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ang aking mga magulang sa mga gawain sa bahay para naman maiwasan nilang mas magkaroon ng pagod sa buhay. Hindi ako magdadalawang-isip na gustuhin ang pagtutulong sa kanila para sila ay liligaya naman at giginhawa sa lahat ng problemang dumako sa kanilang buhay.

Design a site like this with WordPress.com
Get started