Sa sampung araw na hamon ko, yun ang ilan sa mga araw na hindi ko malilimutan. Kahit na ginawa ko lang yun para sa isang proyekto namin ay hindi ko naman na isip iyon kundi sariling gawa ko lamang. Nakakapagod man ang mga araw na iyon ngunit ang mga naramdaman at mga ngiting nasaksihan ko ay walang sinuman ang makakapalit doon. Kahit sa anong hirap ng pamumuhay ko ay ipinagmmalaki kong mayroon akong nagawa para saaking mga mamamayan. Ako ay masayang iniisip ang mga araw na iyon na kung saan mayroon akong mg anatulungang tao mapatanda o bata bata at mayaman o mahirap. Iniisip kong masaya parin ba sila ngayun at namumuhay ng maginhawa sa kabila ng pamantayan ng kanilang pamumuhay. Iniisip ko na galing sa tulong ko ay naging isang magandang halimbawa ba ito para sa kanila upang sundin din nila at tumulong parin sa iba. Kung baka sakaling itong mga pangyayari sa mga araw na ito ay mangyayari ulit sa akin ay susubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang makatulong parin lamang lalo na sa mga taong nangangailangan. Mas magiging masaya akong makatulong sa iba kung kung saan alam kong ito ang nakabubuti para sa lahat.
#SeniorsInAction