“GAWAING PANGKABAITAN”

Sa araw na ito, ika-9 ng Pebrero, ako ay galing sa mall papauwi na para makapagpahinga ng dahil pagod sa paglalaro namin sa aming isport. Pagkatapos ng laro, ako at ang aking mga kasama sa koponan ay pumunta sa isang mall para magdiwang kahit na kami ay natalo sa aming paglalaro. Pumunta kami sa mall at kumain pagakatapos ng aming paglalaro. Pagkatapos namin’g kumain ay naghiwahiwalay na kami para umuwi na ngunit ako, isa sa mga kasama ko at ang coach ko ay nanatili. Kami ay magkasama sa mall para magpatuloy na magdiwang na kami ay naka lahok at nabigyan namin sila ng isang magandang laro. Habang kami ay naglalakad-lakad sa mall at nag tatanaw sa mga binebentang produkto ay naisipan namin’g mag-sine nalamang. Para tapusin ang aming pagdiriwang ay nanood kami ng isang magandang bagong palabas ngayon. Pagkatapos namin manood ay naghiwahiwalay na kami at umuwi na. Habang ako ay naglalakad pauwi mayroon akong nakitang isang matandang babae na tila sinusubukang tumawid sa kalsada. Siya ay tila ba’ng nagdadalawang isip kung makakaya ba niyang tumawid sa kalsada o hindi. Kaya naman ako ay dali-daling tumawid sa kalsada at tinulungan siya makapunta sa kabilang kalsada. Ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay tulungan ang sinuman kagaya ng nagawa ko sa nakalipas na araw. Ang naitulong ko para sa mamamayan ay mabigyan sila ng isang magandang halimbawa ng isang mabuting Pilipino na bihira nalamang makita sa henerasyong ito. Nabigyan ko sila ng tuwa galing sa isang magandang gawain na nagawa ko. Ang naramamdaman ko habang ginagawa ko ito ay isang pakiramdam na minsan nalamang madarama. Naramdaman ko ang saya ng matandang babae sa maliit na tulong na nagawa ko. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung pagkatapos kong itawid ang matandang babae na ito ay ligtas pa’rin ba siya kung saan siya papunta. Kung mayroong pagkakataon sa susunod na mangyari ito ay syempre gagawin ko parin. Sa pagggawa ng mga maliliit na gawang pangkabaitan ay hindi naman masamang ibalik ito’ng lahat ng unti-unti hanggang sa kapayapaan.

#SeniorsInAction

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started