“BIGYAN SEGURIDAD ANG LAHAT”

Sa araw na ito, pagkatapos ng aking eskwela at ng aking pagsasanay ng volleyball ay nakita ko ang aking kaibigan na malungkot na papauwi sa kanila. Nalaman ko nalamang na nagkaroon siya ng alitan sa isa sa ibang mga kaibigan niya. Kaya naman naisipan kong samahan nalamang siya para din naman bigyan siya ng pakiramdam na hindi siya nag-iisa at para din naman siguradong walang mangyayari sa kanya. Kahit na ako ay hinahanap na ng nanay ko dahil pinapauwi na ako ay sinamahan ko pa’rin siya hanggang sa makauwi siya sa bahay niya. Bilang isang maginoong mamamayan ay dapat ko din siguraduhin ang kaligtasan ng aking mga kaibigan mapababae paman o lalaki. Ang pansibikong nagawa ko sa araw na ito ay siguruhin ang kaligtasan ng kapwa ko kilala ko man o hindi. Ang nagawa kong ito ay hindi man nakatulong sa lahat ng mamamayan ngunit natulungan ko naman ang isa sa mga mamamayan ng bansang ito. Mayroon din akong nasigurung kaligtasan at napasaya sa nagawa kong ito. Ang naramdaman ko nalamang pagkatapos ko siyang maiuwi sa kanila ay nasiyahan ako sa ngiting binigay niya bago siya pumasok sa bahay nila. Tila ako ay kinilig pagkatapos niya maghabilin ng isang magandang ngiti sa’kin. Bukod sa kilig ay nasiyahan ako dahil sa pag-iisip na nabigyan ko siya ng kaligtasan hanggang sa kanyang pag-uwi. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay baka malilintikan na ako kay nanay. Ngunit kailangan ko parin itong gawin sapagkat responsibilidad ko na itong maiuwi siya ng ligtas ngayo’y magkasama na nga kami. Bukod pa doon ay baka kahit anong segundo ay bubuhos na ang pag-iiyak nito. Kung magkakaroon ng pagkakataon na mangyari ito ay gagawin ko pa’rin ito ulit. Gagawin ko ito dahil ito din ay isang gawang nararapat din naman.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started