
Ngayong araw, habang ako ay papauwi na galing sa utos ng aking inay ay dumaan ako sa isang palengke upang mas mapadali ang aking pag-uwi. Ngunit habang ako ay papasok palamang sa palengke ay mayroon akong nakitang isang lola na nahihirapan magdala sa mga palengke niya. Ako naman ay lumapit at binigyan ng tulong ang lola sa pagpamamalengke at sa pagdadala sa kanyang pinalengke. Nagawa ko ang pansibikong gawain na ito dahil nakita ko na siya ay nahihirapan na lalo na sa dami niyang na ipinalengke na para ba’ng mayroon siyang ipaghahanda. Hindi ako nagadalawang isip na tulungan siya dahil nga matanda na. Ngunit matanda man o hindi dapat parin natin isagawa ang mga maibiging katangian na meron tayo bilang mga Pilipino na kung saan tayo diyan hinahangaan ng iba. Ito ay nakatulong sa iba’ng mga mamamayan na mapagtanto na dapat tayong lahat ay maging mabait sa kahil kailan paman. Nakatulong ito na mapagtanto lahat ng tao na ang isang tulong lamang ay hindi ganun kahirap gawin at hindi masamang gawin upang ibalik ang lahat lalo na ang mga kabutihan na nasa kalooban natin. Ang naramdaman ko sa paggawa nito ay natuwa din sa pagpapasalamat niya ng lubusan sa pagtulong ko sa kanya mula sa una hanggang sa pag-uwi niya. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung mayroon paba akong maitutulong sa kanya. Kung baka sakaling ma’y makikita akong nahihirapan sa daanan ay hindi ako magdadalawang isip na tumulong upang maging isang magandang halimbawa para sa lahat para naman sa isang gawa lahat naman susunod. Gagawin ko parin ito sa susunod kung ma’y pagkakataon dahil wala namang masama kung tutulong.
#SeniorsInAction