“PANG-EKONOMIYA”

Sa araw na ito,ika-4 ng Pebrero, ang nagawa kong pansibiko ay tumulong sa pagtitinda sa sarili naming negosyo kahit na sa maliit lamang na oras. Sa ginawa kong pagtulong hindi lamang sa sarili kong pamilya ako nakatulong manerbisyo kundi ay para din sa iba. Sa pagtutulong ko sa aming shop ay nagagawa kong mabigyan ang kagustuhan ng mga mamamayan para sa pangaraw-araw nilang pangangailangan. Ito ang nagawa kong pansibikong gawain para sa aking bayan. Pagseserbisyo ngunit walang hinihinging kapalit. Nakatulong ang ginawa kong ito upang mabigyan ang lahat ng namimili ng kanilang kasiyahan. Kahit na tindero lamang ang nagawa ko ay nabigyan ko pa’rin din naman sila ng kanilang mga pangangailangan na kung saan sila ay nasiyahan. Nabigyan ko sila ng serbisyo na kung saan sila din ay nasiyahan sa maliit na nagawa ko para sa kanila. Ang naramdaman ko naman habang ginagawa ko ang bagay na ito ay kagaanan sa pakiramdam. Sa likod ng pagod ay nakakatuwa din naman’g makita na sila ay nagustuhan ang aking panenerbisyo para sa kanila. Sa pagserbisyo ko sa kanila, iniisip kong papaano ko pa ba ma bibigyan ang aking taong bayan ng kasiyahan sa aming paninda lamang. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari dito kung kami ba ay nanakawan. Iniisip ko din kung papaano namin matapos ang araw na marami ang aming naitinda. Kung bibigyan ng pagkakataon na magawa ko ito sa susunod ay gagawin ko padin naman. Susubukan ko ipagkasya sa oras ang pagtutulong ko kay ina sa pagtitinda sa kabila ng dami ng responsibildad ko para sa paaralan.

#SeniorsInAction

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started