“PAGMAMALASAKIT”

Sa pangatlo na araw ng “10 days challenge” ko, ika-3 ng Pebrero sa 2020,ang nagawa kong pansibiko ay pagtutulong parin sa nakatatanda. Ako ay pauwi na sana sa aming bahay nang mayroon akong namataang isang tao. Sa gabing ito, mayroon akong namataang ina na nahihirapang magdala ng isang galon ng tubig papunta sa kaniyang bahay. Ang pansibikong nagawa ko sa gabing ito ay tumulong ako sa nahihirapan. Tinulungan kong matapos ng taong ito ang kanyang gawain lalo na siya ay mayroon sakit na sa kaniyang katawan. Hindi lamang sa pagtutulong ang nagawa ko kundi ay ginabayan ko din siya papunta sa kanila ng ligtas at walang nangyari sa kaniya. Ang nagawa kong ito ay nakatulong sa mamamayan na bigyan sila ng magandang halimbawa kung gaano naman talaga ka matulungin ng mga Pilipino mula noon hanggang ngayon. Kahit na ay sa isang tao lamang ang aking natulungan ay siya parin ay isang mamamayan ng bansa natin at mayroon parin akong natulungang mamamayan. Ang naramdaman ko sa paggawa nito ay natuwa ako sa reaksiyon ng taong natulungan ko. Kahit na nakakapagod din magdala ng mabigat mula sa malayo ay natuwa akong makita na nasiyahan siya. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay kung matatagalan ba ako sa pag-uwi ko sa pag-alok ko lamang ng tulong sa kaniya. Ngunit hindi din naman pala subalit ang kanila lang naman ay hindi naman ganun masydaong kalayo galing sa ruta ko. Kung ako ay mabibigyan ulit ng ganitong pangyayari kung saan siya ay nangangailangan ng tulong ay hindi ako magdadalawang isip na tumulong ulit. Tutulong ako ulit para naman ako rin naman ay makapagtakda ng magandang halimbawa na palaging tumulong sa iba para sa mga kabataan ngayon.

#SeniorsInAction

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started