Ika-31 ng enero sa 2020,ito ang nagawa kong pansibiko sa araw na ito, biyernes ang araw na’yon na kung saan sa hapon ng araw na iyon ay mayroon programang mangyayari sa paaralan. Opisyal ako sa C.A.T o kung tatawagin ay Citizenship Advancement Training. Ang lahat ng opisyal ng C.A.T ay dapat palaging naka “On Duty” sa tuwing ma’y programa ang paaralan. Sa puwesto ko sa nangyaring programa kung saan ako inilagay ng aking colonel, responsibildad kong gawing magalang ang ibang estudyante sa bawat pagtatanghal ng iba at higit sa lahat ay disiplinahin sila sa pag-uugali nilang maaari nilang maipapakita. Ang naramdaman at ang nasa isip ko sa paggawa o habang ginagawa ito ay pagod. Ako ay napapapagod sa kakatayo at pagalitan ang ibang estudyante sa kanilang malikot na ugali. Mayroong ibang estudyante na sobra sa kulit na halos ayaw na magpaawat sa kakulitan. Habang ginagawa ko ang aking tungkulin, kahit papaano nakatulong din naman ako sa aking mamamayan. Nakatulong ako sa pamamamagitan ng pag disiplina sa kanila. Sa pag didisiplina ng aking mga nakababatang kamag-aral, nagawa kong maiwasan ang pangiisturbo sa ibang seryosong nakikisalamuha sa programa.Ngunit kahit papaano, ito ay isang kusang pagkikilos kaya hindi ako dapat mag reklamo sa kung ano mn ang aking gagawin. Kung babakasakali, gustuhin ko paman o hindi dapat ko itong gagawin kahit gaano pa ito nakakapagod kasi nga dapat palaging handang maglingkod ang kaming mga C.A.T lalo na kaming mga opisyal ng organisasyong ito. Kahit papaano kinakailangan namin na kusang kumilos para makatulong na kung saan ito ay ikabubuti sa lahat.
