“GAWAIN KO SA BAHAY”

Sa araw na ito,sa ika-1 ng Pebrero ng 2020, ang nagawa kong pansibiko ay ang paglalaba sa mga damit ng pamilya ko. Hindi lamang paglalaba ang aking nagawa mayroon din iba pa na nakatulong din sa pamilya ko. Nakikita naman sa larawan na ito na ako mismo ang kumukuha at nagsasampay sa mga bagong laba na damit. Kahit naman hindi sa ibang kababayan ako nakatulong, pareho namang mamamayan ang aking pamilya sa bansang ito at sa ibang mamamayan na namumuhay dito. Nakatutulong naman ito sa aking pamilya upang sila naman ang makapaghinga mula sa sobrang pagod nila sa pagtatrabaho para sa amin. Nakatulong ito na gumaan ang kanilang pakiramdam sa lahat ng kanilang mga sakripisyo para sa’min. Ang naramdaman ko habang ginagawa ang gawain kong ito ay sobrang pagod ngunit masaya din naman makatulong para sa kanila. Nakakapagod dahil mula sa maagang umaga ay pinasimulan na ang paglalaba sa mga maruming damit. Ngunit, nasasayahan din dahil natutuwa ang aking mga magulang na mayroong tumutulong sa kanila. Habang sa paggagawa ko sa aking mga tungkulin ay iniisip ko ang ibang mga gawain ko sa bahay. Iniisip ko ang mga gawaing pwede ko pa’ng matulong sa mga magulang ko upang sila ay matuwa naman sa’kin. Kung mangyayari ang pagkakataon na ito sa susunod na araw ay hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ang aking mga magulang sa mga gawain sa bahay para naman maiwasan nilang mas magkaroon ng pagod sa buhay. Hindi ako magdadalawang-isip na gustuhin ang pagtutulong sa kanila para sila ay liligaya naman at giginhawa sa lahat ng problemang dumako sa kanilang buhay.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started